Imbestigasyon sa umano’y hacking sa COMELEC server, itutuloy ng Congressional Oversight Committee

Ikinakasa na ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System ang imbestigasyon ukol sa napaulat na hacking sa server ng Commission on Elections o COMELEC.

Ayon kay Senator Imee Marcos, chairperson ng committee on electoral reforms at co-chairman ng oversight committee, tuloy ang kanilang imbestigasyon kahit sinabi ng COMELEC na fake news lang ang hacking.

Paliwanag ni Marcos, sa pagdinig ay kailangang patunayan ng COMELEC na mayroon silang sapat na safeguards at security measures para matiyak na hindi mabibiktima ng hacking ang kanilang computer system.


Dagdag pa ni Marcos, layunin din ng pagdinig na hingan ng report ang COMELEC ukol sa kanilang mga dry run o mga ensayong ginawa nitong nakaraang dalawang buwan para sa eleksyon sa Mayo.

Binanggit ni Marcos na gagawin nila ang pagdinig kapag fully recovered na sa COVID-19 ang kanyang counterpart sa Kamara.

Facebook Comments