Natapos na ang isinagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa sinasabing paglabag nina Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque at Senator Manny Pacquiao sa quarantine protocol.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ngayong Biyernes (Disyembre 18) ay ipinasa na nila ang report kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nag-utos sa imbestigasyon.
Hindi naman binanggit kung ano ang naging resulta ng imbestigasyon at ibinigay ang karapatan kay Año na ianunsyo ito sa publiko.
Matatandaang dinagsa ng tao si Roque sa pagbisita nito at pagsasalita sa Bantayan Island sa Cebu nitong nakaraang buwan habang nagdaos naman ng gift-giving activity sa Batangas si Senator Pacquiao.
Facebook Comments