Imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni Chairman Bautista, itutuloy ng Senado

Manila, Philippines – Itutuloy na ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions ang pagdinig ukol sa umano’y tagong yaman ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Ito ang inihayag ni Committee Chairman Senator Chiz Escudero matapos na magbitiw si Bautista sa pwesto.

Isang beses ng nagsagawa ng pagdinig ang komite pero sinuspinde ito dahil sinampahan sa Kamara ng Impeachment Complaint Si Bautista.


Base sa alegasyon ng misisi ni Bautista na si Patricia, mayroong 30 accounts si Chairman Andy sa Luzon Development Bank o LDB na halagang halos isang bilyong piso ang hindi nakadeklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.

Facebook Comments