Umapela si Senator JV Ejercito sa mga kapwa senador na tapusin na ang imbestigasyon sa war on drugs ng dating Duterte administration.
Ayon kay Ejercito, nagsalita na rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alegasyon sa drug war at sapat na ang mga nakalap na impormasyon para makabuo ng committee report ang Blue Ribbon Committee.
Para sa senador, mainam na huwag nang patagalin ang pagdinig sa drug war upang makapag-focus na ang Senado sa mga panukala na mas makakatulong sa mga kapwa Pilipino.
Dapat aniyang ipaubaya na lamang ang mga impormasyon sa Department of Justice (DOJ) at sa iba pang ahensya para sa pagsasampa ng kaso o anumang pagbabago sa polisiya.
Aminado si Ejercito na hindi maitatanggi na maaaring mapulitika lamang ang imbestigasyon sa kampanya kontra iligal na droga kapag tumagal pa ang imbestigasyon dito.