Pinayagan na ng International Criminal Court (ICC) na simulan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga Pilipino sa giyera kontra iligal na droga sa Pilipinas.
Batay sa 41-pahinang desisyon ng ICC, binigyan na ng go signal ng Pre-Trial Chamber 1 ang hiling ni ICC Chief prosecutor Fatou Bensouda na imbestigahan ang war on drugs sa Pilipinas.
Nakasaad din sa dokumento na nakitaan ng pagkakaparehas ng ICC ang datos na dahilan ng pagkakasawi mula 2011-2019, sa mga bilang din ng nasawi bago pa naluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte at alkalde pa sa Davao na nangunguna sa “Davao Death Squad”.
Partikular na aalamin ang mga nangyari mula Novermber 1, 2011 hanggang March 16, 2019 kung saan nagsimula ang konteksto ng ‘war on drugs’.
Tinatayang nasa 12,000 hanggang 30,000 katao ang naging biktima na kampanya kontra iligal na droga.