Imbestigasyon sa Yolanda housing, palalawakin pa ng Kamara

Manila, Philippines – Nangako si Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na lalawakan pa ang imbestigasyon tungkol sa Yolanda housing project.

Ito ay matapos matuklasan ang substandard Yolanda housing sa Eastern Samar na iniimbestigahan ngayon sa Kamara.

Sa ika-apat na taong paggunita sa pananalanta ng bagyong Yolanda sa bansa noong 2013, umaasa si Benitez na hindi na kailangang maghintay pa ng panibagong apat na taon para mapunan ang pangakong maayos na pabahay sa mga biktima ng Yolanda.


Sinabi ni Benitez na apat na taon na ang nakalipas pero libu-libo pa rin ang naninirahan sa mga temporary shelters sa mga danger zones.

Nangako din ang kongresista na pagkatapos ng imbestigasyon tungkol sa Yolanda housing projects ay irerekomenda nilang papanagutin ang mga nasa likod ng paggamit ng substandard materials sa mga pabahay.

Facebook Comments