Tuesday, January 27, 2026

Imbestigasyon ukol sa prangkisa ng Solar Para sa Bayan Corporation, ikinakasa na ng Kamara

Ikinakasa na ng House Committee on Legislative Franchises ang imbestigasyon kaugnay sa prangkisang ipinagkaloob sa Solar Para sa Bayan Corporation o SPSB ni Batangas Rep. Leandro Leviste.

Inihayag ito ni Cavite 6th district Rep. Antonio Ferrer na syang chairman ng komite kasunod ng mga alegasyon na posibleng may paglabag ang SPSB sa mga kondisyon ng prangkisa.

Sabi ni Ferrer, hihingi sila ng otorisasyon sa House Committee on Rules para sa pagtatakda ng pagdinig na target nilang gawin sa susunod na linggo.

Planong imbitahan sa pagdinig ang mga opisyal ng Department of Energy, Energy Regulatory Commission, at iba pang kaukulang ahensya.

si PhilRECA Party-List Rep. Presley De Jesus, ang nagsulong ng imbestigasyon sa layuning masilip ang isyu sa bentahan at paglilipat ng controlling intrest sa SPSB na hindi aprubado ng Kongreso.

Bunsod nito ay hiniling naman ni APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc sa Energy Regulatory Commission na silipin ang mga isyu na kinasasangkutan ng Solar Para sa Bayan sa mga lugar kung saan ito nagkaroon ng operasyon.

Facebook Comments