Imbis na camera battery: Bato, natanggap ng babaeng bumili online

Images from Facebook/Jay-Anne Kristi Mauricio Pame

Sa pamamagitan ng social media, ikinuwento ng isang netizen ang kaniyang pagkadismaya sa item na in-order sa isang kilalang online shopping site.

Batay sa Facebook post ni Jay-Anne Kristi Mauricio Pame, sa halip na camera battery, bato ang laman ng package na dumating sa kanila.

Ayon sa mamimili, in-order niya ang baterya sa Lazada.


Aniya, matagal na silang tumatangkilik sa mga online store kaya naman malaki ang tiwala niya sa biniling bagay.

Hindi na din nagawang inspeksyunin ng mag-asawa ang nakuhang item mula sa Ninja Van delivery.

Giit ni Pame, unang beses nila itong naranasan sa tagal nilang namimili online.

Kaagad naman siyang nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Lazada at sinabing maaring nagkaroon ng problema sa courier.

Payo ng dalawa, siyasatin sa harapan ng delivery personnel ang in-order na item para iwas-aberya.

Umaasa din silang magsilbing babala ang karanasang ibinahagi sa internet.

Facebook Comments