World – Iniimbitahan ng European Union (EU) si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Europa para dumalo sa Asia-Europe meeting sa Oktubre.
Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen – nagpadala na sila ng imbitasyon sa Malacañang pero wala pang tugon hanggang sa ngayon.
Kapag tinanggap ng pangulo ang imbitasyon, inaasahang bibisitahin nito ang EU headquarters sa Brussels, Belgium at iba pang bansang kasapi ng organisasyon.
Facebook Comments