IMBITADO | Naligtas na Thai soccer team, imbitado sa awards event ng World Cup

24

Inimbitahan ng FIFA ang nailigtas na soccer team ng Thailand para sa awards event ng World Cup sa London.

Matatandaang nakuha ng naturang soccer team ang atensyon ng buong mundo dahil sa kanilang pagkaka-stranded sa isang kweba at ang buwis buhay na pagliligtas sa kanila.

Ayon kay FIFA President Gianni Infantino, gusto nilang makarating ang soccer team sa London para sa FIFA annual awards event sa September 24, 2018.

Nauna nang inimbitahan ng FIFA ang labing dalawang manlalaro at kanilang coach sa World Cup final sa Moscow, Russia sa darating na Linggo.

Gayunman, hindi makakarating ang “Wild Boars” soccer team dahil sa medical reasons lalo at ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang mailabas silang lahat sa kweba.

Facebook Comments