Manila, Philippines – Inimbitahan ng Papal Nuncio ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte na makiisa sa Pope’s Day o kapistahan ng kauna-unahang santo papa na si Saint Peter at ni Saint Paul na gaganapin bukas, June 29.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inimbitahan ni Archbishop Gabriele Giordano Gaccia ang Pangulo para dumalo sa selebrasyon ng Apostolic Nunciature sa Malate, Maynila.
Gayunman, hindi pa aniya tiyak ang pagdalo ng Pangulo.
Mababatid na ginawa ang imbitasyon sa Pangulo sa gitna ng kontrobersiya matapos tawaging istupido ng Pangulo ang Panginoon.
Facebook Comments