Naghain ng resolusyon si Senator Imee Marcos upang ipagpaliban ang eleksyon sa barangay at Sanguniang Kabataan sa 2020.
Ayon sa Senate Bill No. 222 na inihain ni Marcos, maantala ang mga eleksyon sa barangay at SK sa Mayo 2020 at ililipat ito sa Enero hanggang Pebrero 2023.
“Hindi pa nagkakasundo sa date, mukhang lahat sang-ayon na i-postpone na yung barangay at SK elections, dahil hindi talaga maaari na 2020,” ani Imee.
Pinahayag naman ni Eden Pineda, National Director ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, na kapag natuloy ang SK elections sa susunod na taon, ito na ang maitatala na pinakamaikling termino sa kasaysayan.
Naghain din ng resolusyon si Senate Minority Leader Franklin Drilon na isagawa sa Mayo 2021 ang barangay elections.
“I think we should not keep postponing election for unreasonably long period of time. Election is necessary in order that the elected officials, like us, will have the mandate to govern,” pahayag ni Drilon.
Ang huling eleksyon sa mga barangay ay noong Mayo 2018 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maantala ang dapat na Oktubre 2017.