Imee Marcos sa educational background: Tutukan na ang mga plataporma

Image via Facebook/ Imee Marcos

“Okay lang nasagot ko na. Sa akin, ang time ngayon ay talagang tutukan na ang mga plataporma,” ang naging pahayag ni Imee Marcos sa mga kunwestiyon sa kaniyang educational background.

Ayon sa kaniyang interview sa GMA Unang Hirit, paulit-ulit na niyang sinasagot ang usaping ito ngunit walang interes ang mga tao dito.

“Talagang tutukan na natin yung ating mga plataporma, yung ating mga dapat gawin. Napakaraming problema ng ating bansa. Let’s get to work,” dagdag ni Marcos.


Matatandaan na sinabi ni Marcos na graduate siya sa Princeton University ngunit itinanggi naman ito ng admin ng unibersidad.

Itinanggi rin ng University of the Philippines- Law na siya ay graduate at may honor dito. Ipinakita noon sa publiko ang litrato na kasama siya sa nagmartsa sa graduation sa UP Law noong 1983.

Nasa ikawalong puwesto si Imee sa senatorial race nitong Mayo 13 na may higit 15 milyong boto. Naproklama na rin siya bilang senador  sa PICC nitong Miyerkules.

Facebook Comments