Manila, Philippines – Iminungkahi ni 1-PACMAN Rep. Mikee Romero ang dagdag sa arawang sahod at dagdag din na benepisyo para sa mga manggagawa at empleyado sa Metro Manila.
Ayon kay Romero, ang dagdag na sahod at benepisyo ay para makayanan ng publiko ang pagmamahal sa presyo ng mga bilihin at serbisyo dulot ng TRAIN at ang pagsipa ng inflation rate.
Sa rekomendasyon ni Romero, pinadadagdagan ng P15 ang arawang sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Ipinatataas din sa P500 mula sa kasalukuyang P200 ang unconditional cash grant sa ilalim ng TRAIN Law.
Dagdag dito ay pinabibigyan din ng special additional tax exemption ang sumasahod ng P16,500 pesos para sa 2018.
Giit ni Romero, ang kanyang suhestyon ay doable, realistic, at hindi wishful thinking lamang para maibalik ang purchasing power ng publiko.