Manila, Philippines – Iminungkahi ni dating Governor at GM ng Metro Manila Commission Atty. Joey Lina Jr. na napapanahon ng buwagin ang MMDA Metro Manila Council dahil wala naman umano itong ngipin para mapaayos ang problema ng trapiko sa Metro Manila.
Sa ginanap na Forum sa Tapatan sa Manila, sinabi ni Atty. Lina dapat umanong buwagin ang Metro Manila Council ng MMDA at palitan na ng mas malakas na ahensiya na mabibigyan ng kapangyarihan ang mga lider na elected.
Paliwanag ni Lina, ang mga lider sa kasalukuyang estraktura ay appointed lamang habang ang kanyang 17 pitong Mayors na kanyang kinasasakupan ay halal ng Bayan.
Giit pa ni Lina dapat bumalangkas ng mas matibay estraktura upang maresolba ang lumalalang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila.