Manila, Philippines – Pinalalagyan na ng Suggested Retail Price (SRP) ng laban konsyumer ang commercial rice dahil sa pagsipa ng presyo nito kasabay ng umano ay pagkaubos ng supply ng NFA rice sa merkado.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba ng Laban Konsyumer, kapag nilagyan ng SRP ang commercial rice, mananagot na sa pamahalaan ang mga rice trader at retailer na bigla-biglang nagtataas ng presyo ng bigas.
Giit naman ni NFA Spokesperson Rex Estoperez na handa silang magpa-audit at ipakita ang mga resibo at dokumento ng kanilang mga transaksiyon noong 2017 para patunayang wala silang itinatago.
Nauna nang sinabi ng grain retailers’ Confederation of the Philippines na hindi umano nagkakasundo ang NFA management at ang NFA council kaya hindi nabantayan ang pagbaba ng buffer stock ng bigas ng NFA.