IMINUNGKAHI | Sen. Lacson, iminungkahing gawing localized ang peace talks

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson na gawing localized na lang ang peace talk sa komunistang grupo.

Ayon kay Lacson, ito ay sa halip na gawin sa ibang bansa ang peace negotiation.

Aniya, naniniwala siyang mas madaling makamit ang pakay kung sa Pilipinas gagawin ang pag-uusap.


Kasabay nito, sinabi ni Lacson, na pabor siyang hindi na isama sa pag-uusap si Communist Party of the Philippine Founder Jose Maria Sison.

Aniya, wala naman kasing ibang agenda si Sison kundi pabagsakin ang gobyerno.

Facebook Comments