Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senadora Cynthia Villar na maghanap ng alternatibong makakain.
Ito ay sa gitna na rin ng isyu na may problema sa supply ng galunggong.
Sa pagdinig ng Senado, tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na negatibo sa formalin ang mga sinuri nilang galunggong.
Pero ayon kay Villar, chairperson ng committee on agriculture and food – kung may alinlangan, mayroon namang ibang pwedeng kainin.
Iginiit din ni Villar na ilegal at maituturing na smuggling ang importasyon ng galunggong.
Aniya, labag sa batas ang pag-angkat ng galunggong.
Hindi tinanggap ni Villar ang katwiran ng BFAR na nag-iimport tayo ng galunggong dahil ginagamit ito sa “canning at processing.”
Facebook Comments