IMINUNGKAHI | Sports facilities ng gobyerno, inirekomendang gawing evacuation centers

Manila, Philippines – Inirekomemda ni Kabayan Rep. Ron Salo na gawing evacuation centers ang mga gym, basketball courts at sports stadium na ipinatayo ng gobyerno.

Ayon kay Salo, pwedeng i-repurpose ang ganitong pasilidad para hindi na gamitin ang mga eskwelahan na evacuation centers tuwing may kalamidad.

Aniya, may negatibong epekto sa mga estudyante ang palaging paggamit sa mga eskwelahan na evacuation centers.


Katwiran dito ni Salo, malalaki ang espasyo ng mga sports facilities kaya mas mainam itong tuluyan ng mga pamilyang maaepktuhan ng kalamidad.

Pero, bago ito gawin ng gobyerno ay dapat na lagyan ng dagdag na restrooms, electrical outlets, komunikasyon, imbakan ng tubig at storage rooms ang mga sports facilities na pansamantalang gagawing evacuation centers.

Facebook Comments