IMINUNGKAHING BAYAD SA TEACHING OVERLOAD AT OVERTIME PARA SA MGA GURO, INAASAHAN NG MGA GURO SA DAGUPAN CITY

Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa kanyang naging SONA ang papel at kahalagahan ng mga guro sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon sa bansa.

 

Ayon sa pangulo, makakatanggap na ngayong school year ang mga guro ng bayad para sa kanilang teaching overload at overtime.

 

Magandang pangako lalo kung maisasakatuparan ito, ayon sa ilang kaguruan sa Dagupan City na nakapanayam ng IFM News Team.

 

Dagdag ng mga ito, ang itatakdang basehan sa ikinakasang bayad sa overload at OT, maging ang guidelines na dapat umano ay parehas sa lahat ng mga eskwelahan.

 

Maging ang pagbibigay ng laptops, habang ang ibang guro, umaasa, ang ilan naman ay tinawag na umano’y “suntok sa buwan” ang planong ito.

 

Gayunpaman, umaasa ang mga guro sa Dagupan City sa tuloy na tuloy na suporta ng pamahalaan sa mga ito, kasabay ng kanila umanong hirap at sakripisyo sa pagtataguyod ng pagkatuto ng mga bata’t-kabataan.

 

Samantala, nanindigan naman si PBBM na prayoridad ang sektor ng edukasyon at lalaanan ng malaking pondo sa pagpapalawig ng mga programa upang mapaunlad ang nasabing sektor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments