Magaganap ngayon, araw ng Martes, July 18 ang iminungkahing Public Consultation ni Chairman on Committee on Public Works and Infrastructures Councilor Alvin Coquia sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan noong nakaraang regular session kaugnay sa mga kaliwat kanang konstruksyon ng mga Road Elevation at Drainage System Upgrade partikular sa kahabaan ng Arellano-Bani at AB Fernandez.
Matatandaan na noong nakaraang regular session ay personal na naiparating ng isang concerned Dagupeno ang kanyang saloobin patungkol sa pagpapataas ng mga kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainage systems at kung paano ang mga ito ay direktang nakakaapekto umano sa ilan pang mga residente sa lungsod, sa kanilang mga kabahayan at para sa mga business establishment owners, para sa kanilang kabuhayan tulad na lamang ng hinaing na natatanggap sa kung gaano umano kataas ang naumpisahang Road Elevation.
Binigyang diin din nito ang pag-address sana umano partikular sa mga heavily silted na mga river systems sa lungsod na siya sanang lalabasan ng tubig baha at paghikayat sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na magtungo rin sa mga kaukulang mga ahensya ng pamahalaan upang mabigyan ng solusyon ang problemang pagbaha.
Samantala, pormal na magaganap ang public consultation kung saan bukas ito sa mga Dagupeñong na makibahagi sa naturang isyu, araw ng Martes, July 18, sa oras na alas dos ng hapon, 3rd floor sa Sangguniang Panlungsod Building. |ifmnews
Facebook Comments