Immaculate Conception Cathedral sa Lungsod ng Pasig, dinagsa ng mga deboto matapos ibalik ang full capacity ngayong Ash Wednesday

Dinagsa ng mga deboto ang Immaculate Conception Cathedral sa lungsod ng Pasig ngayong Ash Wednesday.

Dahil nasa ilalim na ng Alert level 1 ang Metro Manila pinapayagan na ang punuang kapasidad.

Sa dami ng mga tao, kinulang ang espasyo sa loob kaya naglatag pa ng upuan sa labas.


Ngayong maluwag na ang restrictions, pinapayagan na muli ang paglalagay ng abo sa noo.

Para naman matiyak na masusunod ang health protocol, may sapat na bilang ng lay minister na tumutulong sa pari sa paglalagay ng abo sa noo.

Para sa mga  papasok sa simbahan, hinahanapan sila ng vaccination card at dumaan din sila sa temperature check.

Sakaling hindi bakunado, papayagan pa rin naman silang dumalo sa misa pero ito ay sa labas na.

Ngayong araw, 10 misa ang naka-schedule sa Immaculate Conception Cathedral sa Pasig.

Live rin ito sa Facebook kaya pwede para ring makapagsimba ang hindi makakadalo ng pisikal.

Facebook Comments