Immaculate Conception Cathedral sa Pasig, dinagsa ng mga nagsisimba ngayong Pasko

Bago mamasko, mas pinili ng ilan nating mga kababayan ang unahin ang Diyos at alalahanin ang tunay na diwa ng Pasko ang kapanganakan ng ating panginoong HesuKristo.

Dito sa Immaculate Conception Cathedral sa Barangay Malinao sa Pasig, dagsa ang mga nagsisimba upang magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang kanilang natatanggap .

Kahit na Under Renovation pa rin, abot pa rin hanggang labas ng Simbahan ang mga nakikinig ng Banal na Misa.


Sama-sama ang magpapamilya at mga magkakamag anak na nandito na nananalangin upang humiling na magkaroon ng masaganang buhay ngayong Kapaskuhan.

Samantala, masigla naman ang bentahan ng ibat ibang mga item sa labas ng simbahan.

Kasama rito ang mga bulaklak, mga lobo, mga kakanin at iba pa.

Facebook Comments