IMMIGRATION BLACKLIST | Alkalde ng Basilan, pinigilang makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Hindi pinayagang makalabas ng bansa ng Bureau of Immigration si Hadji Muhtamad, Basilan Mayor Abdula Mansul.

Ayon kay BI Port Operation Division Chief Red MariƱa, kasama ang pangalan ni Mayor Mansul sa Immigration blacklist dahil kasama ito sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon inaresto ang alkalde sa NAIA Terminal 1 habang pasakay ng eroplano patungong Kuala Lumpur, Malaysia.


Base sa Martial Law Instructions No. 1 na inisyu noong September 4, 2017 ni Defense Secretary Delfin Lorenzana inaatasang arestuhin si Mansul.

Kabilang din ayon sa DND, si Mansul sa top 3 drug lords na nag-o-operate sa Basilan at kinokonsidera din bilang High Value Target.

Facebook Comments