
Hinihintay na lamang ng Bureau of Immigration (BI) ang utos ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa request ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na lookout bulletin sa ilang contractor at opisyal ng DPWH.
Ayon sa Immigration, nagkaroon na sila ng internal agreement na kahit wala pang lookout ay bantayan ang mga indibidwal na nakapaloob sa listahan na isinumite ng (DPWH).
Sinabi naman BI Spokesperson Dana Sandoval na maari pa rin silang lumabas ng bansa ngunit tahimik nang imo-monitor ng ahensya ang galaw ng mga ito.
Matatandaang sinabi ni DPWH Secretary Dizon na sumulat na siya sa DOJ para i-monitor sa pamamagitan ng look out bulletin (LBO) ang mga indibidwal na umano’y sangkot sa flood control project na magtatangkang lumabas ng bansa kabilang na ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.









