Immigration counter at check in counter sa NAIA, dinagdagan pa!

Mas marami na ngayong check-in counter at Immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa domestic flight at international flight.

Ito ay matapos buksan ang mga karagdagang counter alinsunod na rin sa direktiba ni Transportation Sec. Jaime Bautista.

Matatandaang pinuna ni Sec. Bautista ang mahaba at mabagal na proseso sa check-in sa Immigration counter noon na nagpapabagal sa operasyon sa nasabing paliparan.


Samantala, ngayong Holy Wednesday makikita naman ang mas maraming pasahero kasabay ng paggunita ng Semana Santa at mahabang bakasyon.

Facebook Comments