Immigration main office at DOJ, sarado ng 2 araw para sa disinfection; Korte Suprema, limitado pa rin ang operasyon

Pansamantalang sarado para sa disinfection ang tanggapan ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) sa Maynila.

Sa harap ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa at pagpositibo sa virus ng ilang mga kawani ng DOJ.

Sa abiso ng Immigration, pinapayuhan ang mga may transaksyon sa kanila ngayon at bukas na magpa-reschedule na lamang


Sa DOJ naman, bukas ang docket section para tumanggap ng mga dokumento pero sarado ang buong compound nito hanggang bukas.

Samantala, ipinatutupad naman ang skeletal force sa Korte Suprema.

Bunga ito ng pagpapatuloy na disinfection ng iba’t ibang tanggapan ng Kataas-taasang Hukuman hanggang bukas, araw ng Martes.

Facebook Comments