Immigration Officer na umaresto sa Chinese National na nagsaboy ng taho sa isang pulis, inakusahan ng ‘abduction’

Manila, Philippines – Inakusahan ngayon ng “abduction” ng kampo ng Chinese national na nanaboy ng taho sa isang pulis, ang immigration personnel dahil sa umano ay iligal at sapilitang pag-aresto sa kanya kahapon.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Sandra Respall – hindi dumaan sa tamang proseso ang pag-imbita ng immigration personnel kay Jiale Zhang.

Nabatid na kakatapos lang nilang mag-piyansa nang arestuhin ng tauhan ng B.I. si Zhang para sa preliminary investigation sa kaso niyang naka-schedule ngayong araw.


Tumanggi pa ang kampo ng Chinese national pero hiningi ng B.I. agent ang passport at visa nito.

Mariin namang pinabulaanan ni B.I. Spokesperson Dana Sandoval ang akusasyon ni respall at iginiit na sinusunod lang nila ang valid mission order hinggil sa deportation case ni Zhang.

Isinagawa rin aniya ng mga immigration personnel ang pag-aresto kay Zhang “as peacefully as possible”.

Una nang idineklarang undesirable alien sa Pilipinas si Zhang at maaari siyang maipa-deport at ma-blacklist kapag naibaba na ng B.I. ang resolusyon sa kaso nito.

Facebook Comments