Immigration Officers Association of the Philippines, pabor sa ginagawang imbestigasyon hinggil sa ‘pastillas’ scheme

Itinuturing na welcome development ng asosasyon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang ginagawang imbestigasyon ngayon sa nabunyag na pastillas bribery scheme.

Ayon sa Immigration Officers Association of the Philippines, pabor sila sa ginagawang imbestigasyon dahil malalaman ang katotohanan at maaari din malinis ang pangalan ng ilan nilang kasamahan na inosente at hindi kasabwat sa naturang iligal na gawain.

Handa din silang tumulong sa kanilang mga miyembro na magbigay ng moral at legal assistance partikular ang mga nabanggit na pangalan sa isinagawang Senate hearing.


Maging ang nagbunyag ng pastillas scheme na si Allison Chiong ay handa din daw nilang asistehan lalo na ang mga kasamahan nila na nasa Witness Protection Program.

Bukod dito, hangad din nila na maisakatuparan na ang batas para sa immigration policies and operations ng ahensiya.

Nananawagan naman sila sa gobyerno na alisin na sana ang mga ipinapatupad na kautusan sa BI na siyang pinagmumulan ng korupsyon gayundin ang pagsasa-ayos ng sweldo at kumpensasyon ng mga immigration officers at ang muling pagbabalik ng overtime benefits na itinigil noong 2017.

Matatandaan na sa ginawang pagdinig sa Senado, inihayahag ni Chiong na nsgsimula umano ang pastillas scheme na alisin amg overtime pay ng mga immigration personnel.

Facebook Comments