Immigration officers na nangotong ng 9.2Million sa mga Koreano, posibleng tuluyan nang masibak sa serbisyo

Maaaring tuluyan nang masibak sa serbisyo, mawalan ng mga benepisyo at tuluyang ma-ban sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na nangotong ng 9.2 Million pesos sa ilang Koreano na kanilang dinakip.

Ayon sa Department of Justice, ito ay sa sandaling mapatunayang guilty ang naturang immigration officers.

Kahapon, nagpalabas na si Justice Secretary Menardo Guevarra ng siyamnapung araw na suspension order laban sa naturang BI personnel.


Ito ay matapos na makitaan ng prima facie case ang nasabing immigration officers matapos ang  evaluation ng DOJ sasworn statements ng Korean nationals na kanilang hinuli.

Partikular na nalabag ng mga ito ang grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Facebook Comments