Immigration officers sa airport, hinihigpitan sa paggamit ng mobile phones

Manila, Philippines – Binalaan ng Bureau of Immigration ang mga tauhan nito sa NAIA sa paggamit ng mobile phones kapag naka-duty.

Kasunod ito ng pagkakahuli sa mga camera sa immigration officers na gumagamiy ng mobile phones sa oras ng trabaho na malinaw na paglabag sa direktiba ng BI.

Layon ng paghihigpit na hindi maapektuhan ang pagseserbisyo ng immigration agents sa mga pasahero sa paliparan


Plano rin ng BI na ipatupad ang ban sa paggamit ng cellphone sa immigration personnel sa lahat ng international airports sa bansa.

Maaari rin daw kasing magamit sa katiwalian ang mobile phones.

Facebook Comments