All set na raw ang ‘Special Team’ ng Bureau of Immigration (BI) Officers na hahawak sa Immigration Procedures para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na uuwi mula China.
Sa harap ito ng ikinakasang repatriation ng mga pinoy kasunod ng pagtaas ng kaso ng Novel Coronavirus sa China.
Ayon kay DOJ Spokesperson Usec. Mark Perete, ang naturang team ay sumailalim na sa mga briefings ng Bureau of Quarantine.
Ang special team ng BI ay magsusuot ng protective gears.
Sinabi ni Perete na layon ng Immigration Procedures na mabantayan din ang pambansang seguridad.
Nais aniya nilang matiyak na hindi masasamantala ang kinakaharap na Medical Emergency sa posibleng pagsalisi ng mga terorista.
Facebook Comments