Immigration: Paghihigpit sa pag-iisyu ng tourist visa sa Chinese nationals, walang epekto sa turismo ng Pilipinas

Walang nakikitang malaking epekto sa turismo ng bansa ang paghihigpit ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-iisyu ng tourist visa sa mga Chinese national.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, nais lamang ng DFA na mapigilan ang pagpasok ng illegal aliens na posibleng mag-abuso sa inilalabas na visa.

Sa datos ng Immigration, umabot na sa 3,300 na foreign national ang hindi pinayagang makapasok sa Pilipinas noong 2023 pa lamang.


Magandang hakbang aniya ito para mapigilan ang ibang intensyon ng mga dayuhan para magpunta sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Sandoval, na mas mapapanatag ang mga turista kung alam nilang ligtas ang bansa dahil sa mahigpit na pagpapapasok sa mga dayuhan.

Facebook Comments