Immigration personnel, pinagbabawalang mag-leave sa Pasko

Pinagbabawalan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa international airports na mag-leave ngayong holiday season.

Layon nito na matiyak na may sapat na immigration personnel na mag-assist sa inaasahang malaking volume ng mga pasahero.

Partikular silang pinagbawalan na mag-vacation leave mula December 1 hanggang January 15 sa susunod na taon.


Ang papayagan lamang na mag-leave ay ang immigration officers na may medical at emergency reasons.

Facebook Comments