Immigration personnel sa Mactan, Cebu, Kalibo at Iloilo, isasailalim sa rapid tests

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasailalim ng kanilang mga tauhan sa mga paliparan sa Mactan, Cebu, Kalibo at Iloilo sa mandatory rapid tests.

Sa harap ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Visayas.

Inatasan na rin ng BI ang mga immigration supervisors sa naturang mga airport para sa agarang pagtalima sa mandatory COVID-19 tests at agad na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) sa kani-kanilang mga nasasakupan.


Samantala, nag-negatibo naman sa COVID-19 test ang 170 na tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa mga international airports ng Clark, Davao at Zamboanga.

Una nang ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang pagsasailalim sa mandatory COVID-19 test sa mahigit 3,000 BI officials at employees sa buong bansa.

Facebook Comments