Immigration procedures sa mga paalis na pasahero, babaguhin ng DOJ matapos ang pag-abuso ng ilang Immigration officers

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang ginagawa nila ngayon na pagbabago sa Immigration procedures sa mga palabas na pasahero kasunod ng mga nabunyag na pag-abuso ng ilang mga Immigration officers.

Partikular na gumagawa ng revision ng departure formalities ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng DOJ.

Layon nito na mapabilis ang pagproseso sa mga pasahero makaraang maiwan ng flight at ma-offload ang ilang pasahero matapos magtanong ng mga hindi naman kailangang katanungan ang ilang Immigration officers.


Tiniyak din ng DOJ na pananagutin sa batas ang mga umabusong Immigration officers.

Ayon sa DOJ, masusi ring pag-aaralan ng IACAT ang proseso para matiyak na hindi makakalusot ang human traffickers lalo na’t nag-iba na rin ng estilo ang mga sindikato.

Facebook Comments