Immigration rules ng US, dapat sundin ng mga Pinoy roon – DFA

Manila, Philippines – Pinaalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Estados Unidos na sumunod sa immigration rules at iwasang manatili ng sobra mula sa itinakdang petsa kanilang mga visa.

Ito ay kasuod ng ipinatupad na ban ng U.S. Department of Homeland Security sa mga Pilipinong may agricultural at non-agricultural visa.

Ayon sa DFA, makikipagdayalogo ang bansa sa Estados Unidos para resolbahin ang isyu.


Aniya, ang visa issuances sa bansa ay prerogative.

Ang ban ay bunsod ng overstaying at human trafficking issues na kinasasangkutan ng ilang Pilipino sa Amerika.

Facebook Comments