Plano ng Bureau of Immigration (BI) na tutukan ang cyberspace partikular ang social media kung saan nangyayari ang illegal recruitment at human trafficking.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, lumalabas kasi na karamihan ng insidente ng human trafficking at illegal recruitment ay mas nangyayari na sa internet.
Binigyang diin ito ni Commissioner Tansingco na nagsabing nagkikita na lamang malapit o sa labas ng paliparan ang mga nasa likod nito at mga naloloko nila.
Sinabi pa ni Tansingco na bunga ng pagluluwag matapos ang pandemya ay dumami rin ang mga bumibiyahe palabas at papasok ng bansa
Aniya, ang mga insidente ng human trafficking at illegal recruitment ay bunga na rin ng pakikipagsapalaran ng iba para magkaroon ng trabahong mas maganda ang kita.