Binawi ng Vatican ang immunity ng kanilang envoy sa France na kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa reklamong sexual assault.
Mismong ang French government ang nagkumpirma nito matapos na natanggap ang kumpirmasyon ng Holy See na binawi nila ang immunity ni Archbishop Luigi Ventura.
Paliwanag naman ng interim director ng Vatican Press Office na si Alessandro Gisotti, ito ay upang ipinakita ang commitment ni Ventura na makipag-ugnayan sa mga otoridad sa imbestigasyon.
Inireklamo si Ventura ng isang junior male official matapos umano siyang hipuan habang nagtatrabaho sa city hall.
Facebook Comments