Manila, Philippines – Mismong si Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsabing hindi na kailangan ng mga kongresista ng pribilehiyo na immunity sa mga minor traffic violations.
Ayon kay Alvarez, hindi na nila kailangan ng immunity dahil karamihan naman sa mga kongresista ay maaagang pumasok.
Sinabi ni Alvarez na patunay dito ang palaging may quorum sa sesyon ng Kamara at ang mga pagdinig sa mga house committees.
Pero idinepensa din ng Speaker si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na siyang humiling sa MMDA na huwag nang hulihin ang mga kongresista dahil sa minor traffic violations.
Iginiit ni Alvarez na hindi na dapat palakihin pa ang sinabi ni Fariñas na maituturing na maliit na bagay lamang dahil sinabi lamang nito kung ano ang nasa konstitusyon.