Immunity Para Kay Ronnie Dayan, Inaprubahan Na Ni House Speaker Alvarez

9

MANILA – Inaprubahan na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang hiling na immunity ng dating driver ni Senadora Leila De Lima na si Ronnie Dayan matapos itong tumestigo sa kamara kaugnay ng bilibid drug trade kahapon.Sa ilalim ng immunity, hindi maaring gamitin laban kay dayan ang lahat ng kanyang testimonyang binitawan sa pagdinig.Bukod dito, inendorso na rin si Dayan para maisailalim sa Witness Protection Program (WPP) at ililipat sa kustodiya ng NBI.Kasabay nito idiniin ni Dayan si De Lima matapos amining nakatanggap siya ng pera mula kay drug lord Kerwin Espinosa na para sa senadora.Sinabi pa ni Dayan – ang abutan nila ng pera ni Espinosa ay nangyayari sa Mall of Asia at ang huli ay sa Baguio CityInamin rin ni Dayan na binigyan siya ng 2 milyong piso ni De Lima para makapagtayo ng bahay sa Pangasinan.Pero, itinanggi ni Dayan na tumanggap siya ng pera mula sa mga drug lords sa bilibid.

Facebook Comments