IMMUNIZATION | DOH nagkaroon ng rebidding para sa pagbabakuna sa mga senior citizens

Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na nagkaroon ng rebidding para sa bakuna sa mga senior citizens o matatanda dahil kapag nagkaka-edad na ay humihina na umano ang kanilang mga immune system kaya at kailangan maprotektahan.

Ayon kay Secretary Duque dalawang milyon na mga bakuna para sa senior citizens ang inorder ng DOH pero kinulang ang mga suppliers dahil 475 libo na mga vials ang lamang ang maaaring gamitin.

Paliwanag ng kalihim tuloy-tuloy pa rin at hindi humihinto ang kanilang kampanya sa mga pagbabakuna sa mga nakatatanda upang mabigyan ng anti-measles, anti-titanus flu vaccine at pneumonia alinsunod sa expanded program immunization ng DOH.


Hinimok ni Duque ang mga senior citizen na magpapabakuna dahil libre naman ito na ibinibigay ng DOH para sa mga nakatatanda.

Giit ng kalihim prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga mahihirap na mga nakatatanda na hikahos sa buhay at hindi kayang magpapabakuna sa mga pribadong pagamutan.

Facebook Comments