IMMUNIZATION PROGRAM | Pagpapaunawa sa mga magulang, dapat mas paigtingin

Manila, Philippines – Kasunod ng pagkakadamay ng ibang mga bakuna sa pinagdududahan ngayon ng mga magulang bunsod ng kontrobersiyang kinakasangkutan ng Dengvaxia Vaccine, nananawagan ngayon si Health Secretary Francisco Duque III sa kanilang mga community base personnel na ipagpatuloy ang pagpapaunawa sa mga magulang na kailangan ng mga bata ang Immunization Program.

Ayon kay Duque, bagamat naiintindihan nila ang pinanggagalingan ng mga magulang, dapat pa ring isaalang-alang ng mga ito na ang Immunization Program ng DOH ang pinakamabisang paraan upang kontrahin ang mga fatal disease na maaaring makuha ng mga bata sa pagtanda nito.

Dagdag pa ni Duque, una na rin siyang nakapagbaba ng mandato sa mga regional directors na huwag ihinto ang Immunization Program sa kanilang nasasakupan, at ipagpatuloy ang pangungumbinsi sa mga magulang.


Facebook Comments