Nagpapatuloy ang isinasagawang immunization Program ng lokal na pamahalaan ng Dagupan para sa mga batang Dagupeño na umaarangkada naman sa mga bara-barangay sa lungsod.
Tinangkilik naman ito ng mga magulang sa pagdala ng kanilang mga anak upang mabakunahan ang mga ito ng mga kawani ng barangay nurses, at barangay health workers.
Layon ng nasabing pagbabakuna na maprotektahan ang mga bata sa sakit at mapanatili ang malusog at malakas na resistensya at kalusugan.
Samantala, umaarangkada rin sa iba pang barangay sa Dagupan city ang libreng serbisyong medikal at dental ni 4th Dist. Rep. Cong. De Venecia na nagbibigay ng libreng health check-up, bunot ng ngipin, at pamamahagi rin ng libreng gamot at vitamins para sa mga Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments