Manila, Philippines – Ilalatag ng Department of Health sa gaganaping Cabinet meeting sa Malacañang ang immunization programs nito o ang pagbabakuna.
Ito ay sa harap narin ng namuong takot ng marami nating kababayan sa bakuna matapos ang kontrobersiya sa Dengvaxia I ang bakuna para sa dengue.
Ayon kay Secretary to the Cabinet Carlo Nograles, isa ang immunization program sa mga nakapilang issue na tatalakayin sa cabinet meeting mamaya.
Ito naman ay sa harap ng deklarasyon ng DOH ng measles outbreak sa National Capital Region at sa Central Luzon matapos umakyat sa 550% ang naitalang kaso nito mula noong enero hanggang ngayon.
Sinabi din ni Nograles na kabilang sa tatalakayin sa cabinet meeting ang National ID System, at mga programa ng Pamahalaan para mapaganda ang buhay ng mga magsasaka at mga mangingisda sa bansa.
Matatandaan na una nang umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang na ipabakuna na ang kanilang mga anak at huwag matakot sa bakuna mula sa iba’t-ibang sakit.