IMO-MONITOR | Interbensyon sa mga na-rescue sa Talaingod, ipinangako ng DSWD

Imo-monitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kabataan at kanilang pamilya upang masiguro na mabibigyan sila ng suporta at interbensyon mula sa pamahalaan.

Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista matapos maibalik na sa kanilang mga magulang ang 12 sa kabuuang 14 na kabataan na nasa kanilang pangangalaga matapos maglabas ng desisyon ang korte para sa kanilang pag-uwi.

Dalawa na lamang na kabataang lalaki ang nasa pangangalaga ng Home for the Aged sa Tagum City at hinihintay na lamang ang findings na isusumite ng Municipal Social Welfare Development Office tungkol sa Parental Capability Assessment Report (PCAR) sa kanilang mga magulang.


Ang PCAR ay isang dokumento na ginagamit sa child protection cases upang i-assess ang kakayahan ng mga magulang sa pangangalaga at pagpapalaki sa kanilang anak.

Ang mga kabataan ay una nang na-rescue ng mga pulis at militar sa pag-kidnap ng grupo ni Satur Ocampo sa Talaingod Davao del Norte kamakailan.

Facebook Comments