Manila, Philippines – Nagpakalat na ng monitoring teams ang National Food Authority (NFA) sa mga pamilihan at supermarkets upang tiyakin na may sapat na supply ng bigas ang NFA dito kasunod ng bahagyang pagtaas ng presyo ng commercial rice
Ayon kay NFA Director Rebecca Olarte, ginagawa na ng ahensiya ang lahat ng pamamaraan upang mahadlangan ang anumang pagtaas sa presyo ng bigas.
Aniya,bagamat tumaas sa average na singkwenta sentimos hanggang dalawang piso ang bigas sa pamilihan, mananatili sa mababang presyo ang NFA rice sa halagang 27 at 32 kada kilo sa pamamagitan ng mga accredited retailers nito.
May option din ang mga consumers na makapamili sa pagbili ng magandang kalidad ng bigas sa mas mababang presyo.
Naniniwala ang NFA na manumbalik ang dating presyo ng commercial rice sa sandaling magsimula nang dumating sa bansa ngayong buwan ng Disyembre ang inangkat na bigas ng pribadong sector sa pamamagitan ng Minimum Access Volume quota.