IMPEACHABLE OFFENSE? | Senador Trillanes, hinamon ng Malakanyang na maghain ng impeachment laban kay Pangulong Duterte kaugnay sa pagsuspinde kay overall Deputy Ombudsman Carandang

Manila, Philippines – Handa ang Palasyo ng Malacanang na harapin ang anumang impeachment complaint na isasampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kaugnay sa pagkakasuspinde kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang kung saan sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na impeachable offense ang ginawa ng Office of the President na pagsuspinte kay Carandang.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may karapatan ang Office of the President na patawan ng parusa ang Deputy Ombudsman dahil hindi ito impeachable position hindi gaya ng Ombudsman na isang impeachable official.


Kaya naman hinamon ni Roque si Trillanes na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte at haharapin ito ng buong buo ng Malacanang.
Nabatid na ang dahilan ni Trillanes ay mayroong Jurisprudence ang Korte Suprema noong 2014 na pumapabor sa apela ni Deputy Ombudsman Emelio Gonzales matapos masibak noong Aquino Administration.

Facebook Comments