Manila, Philippines – Nakatakdang pagbotohan ngayong araw ang impeachment
complaint ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Oriental Mindoro
Representative Reynaldo Umali, handa ang articles of impeachment para
aprubahan ng mga miyembro ng komite.
Ang nasabing impeachment case aniya ay isasabay sa pag-apruba sa plenaryo
ng mga panukalang divorce bill at pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang
Kabataan (SK) elections.
Ang Barangay at SK elections postponement bill at divorce bill ay
pagbobotohan sa ikatlo at pinal na pagbasa ngayong linggo bago mag-adjourn
ang kongreso para sa kanilang Holy Week break.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>