IMPEACHMENT CASE | Botohan sa determinasyon ng probable cause sa impeachment ni CJ Sereno, sa susunod na linggo pa gagawin

Manila, Philippines – Sa susunod na linggo pa mapagbobotohan ang determinasyon sa probable cause sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Sereno.

Bagamat ngayon ang huling araw ng pagdinig sa probable cause ng reklamong impeachment laban kay Sereno, hindi pa ito dadaan sa botohan.

Ayon kay Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, pagbibigyan ang bawat miyembro ng komite na pag-isipang mabuti at timbangin ang magiging boto sa probable cause sa nasabing reklamo.


Aniya, kailangan ng panahon dahil individual ang appreciation dito ng bawat kongresista.

Samantala, hindi naman maipakita ng Judicial and Bar Council at mga psychiatrist na nagbigay ng failing marks kay Sereno ang kopya ng psychological/psychiatric test result nito.

Katwiran ng JBC ito ay confidential dahilan kaya hindi nila pwedeng isapubliko.

Wala namang maipakitang kopya sina Dr. Genuina Ranoy ng St. Luke’s Medical Center at Dr. Dulce Lizza Sahagun ng ginawa nilang test kay Sereno dahil hindi naman nila ito itinatago at wala din silang kopya ng psychiatric test ng Punong Mahistrado.

Facebook Comments